WebClick Tracer

NEWS

5 lugar sa ‘Pinas tutustahin ng init

Nagbabala ang state weather bureau Pagasa na limang lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng “dangerous levels” ng heat index ngayong Miyerkoles.

Ayon sa 5:00pm weather forecast ng Pagasa nitong Martes, ang mga lugar na maaa¬ring umabot sa 42 degree Celcius (°C) ang heat index ay ang Aparri, Cagayan; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar at Guiuian, Eastern Samar.

Maaari umanong umabot sa 51°C ang temperature sa mga nabanggit na lugar.

Sa ganitong katin¬ding init, posibleng makaranas ng heat cramps at heart exhaustion ang mga apektadong residente o kaya ay mauwi sa heat stroke.

Kabilang sa sintomas ng sakit na nakukuha mula sa matinding init ay ang labis na pagpapawis, panghihina, pagkahilo, pagkawalan ng malay, matamlay pero mabilis ang pulso, pagsusuka o pagduduwal.

Apela ng Pagasa, iwasan ang mga outdoor activity, uminom ng maraming tubig at magsuot ng protective gear upang makaligtas sa mga heat-related illness.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on