WebClick Tracer

NEWS

81 sapol ng pertussis sa Calabarzon, 6 nategi

Umabot na sa 81 ang kumpirmadong kaso ng pertussis sa Calabarzon mula noong January 1 hanggang Marso 30, base sa inilabas na anunsyo ng Department of Health (DOH) Calabarzon nitong Lunes ng hapon.

Sa mga kumpirmadong kaso, 21 ang naitala sa Cavite, 18 sa Laguna, 15 sa Batangas, 5 sa Quezon at isa sa Lucena City.

May naitala na ring kaso ng mga nasawi kung saan 3 dito ay sa Laguna, 2 sa Cavite, isa sa Rizal.

Bukod sa mga kumpirmadong kaso, mayroon pang 86 na “suspected” cases at 39 na “probale” cases kaya sa kabuuan ay nasa 206 na ang sinasabing kaso ng pertussis.

Sa mga suspected cases, nagunguna ang Laguna na may 20 kaso, sunod ang Quezon na may 19, may 18 sa Rizal at 16 sa Batangas.

Payon ng mga health officials, pagpapabakuna pa rin ang nananatiling pinakamabisang paraan laban pertussis o “whooping cough”.

(Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on