WebClick Tracer

SPORTS

Bakas ni Dejounte Murray sapat kontra Bulls

Ga-batya ang tingin ni Vit Krejci sa basket ng United Center sa Chicago, bawat bitaw ay siguradong pasok.

Walang isinablay si Krejci sa mga tira lahat mula sa labas ng arc tungo sa career-highs 18 points at 6 3-pointers para ikampay ang Atlanta Hawks sa 113-101 panalo kontra dinayong Bulls Lunes ng gabi sa 78th NBA 2023-24 regular season.

Napipintong magtagpo sa play-in tournament sa East ang No. 9 Bulls (36-40) at No. 10 Hawks (35-40).

Sakaling magtabla ang dalawa pagkatapos ng regular season, i-ho-host ng Chicago ang play-in tournament.

“It’s just confidence,” bida ni Krejci. “I think the reason why we shot the ball well today was we just were moving the ball. When you get a 3 off of three passes or a kickout or something like that, it always feels better than a one-pass 3.”

Pinangunahan ng 20 points ni Bogdan Bogdanovic ang Atlanta. Umiskor ng 17 si Dejounte Murray, nagsumite ng 15 points, 11 rebounds si Clint Capela.

Sumakay ang Chicago sa 31 points ni DeMar DeRozan, may 22 si Coby White at 15 kay Ayo Dosunmu. Kumalawit ng 18 rebounds panahog sa 13 markers si Andre Drummond.

Sa dulo ng laro, kinailangan pang ilayo si Bogdanovic kay coach Quin Snyder sa isang timeout. Binalibag ni Bogdanovic ang isang bottled water habang dinudutdot ang dibdib habang patayo para lumapit sa coach.

“Bogey was terrific, and he and I are in a great place – better than good,” salag ni Snyder. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on