WebClick Tracer

NEWS

BBM, Sara sadsad sa Pulse Asia survey

Bumagsak ang trust at approval ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bagama’t marami pa rin ang bilib sa kanyang pa-mumuno, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sumadsad sa 55 percent nitong Marso 2024 mula sa 68 percent noong Disyembre 2023 ang performance rating ni Pangulong Marcos.

Nabawasan siya sa lahat ng lugar, pinakamalaki ay sa Mindanao, mula 62 percent ay naging 40 percent. Sa Class E naman, naging 48 percent na lamang ito mula sa dating 68 percent.

Nawalan din si Marcos ng 16 percent sa trust rating nang bumaba sa 57 percent mula sa dating 73 percent. Pinakamalaki ang binaba sa Mindanao na naging 38 percent na lamang mula sa dating 70 percent at sa Class 3 (45 percent mula sa 74 percent).

Bumaba rin ang trust rating ni Vice President Sara Duterte na mula 78 percent ay naging 71 percent nitong Marso.

Pinakamalaki sa nabawas kay VP Sara ay sa Metro Manila (60 mula sa 76), Class E (69 mula sa 84), Class ABC (68 mula sa 78), at Visayas (72 mula sa 83).

Lagapak din ang performance rating ni Duterte na naging 67 percent na lamang mula sa 74 percent, pinakamalaki sa binaba ay sa Class E na naging 65 percent na lamang mula sa dating 79 percent.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on