WebClick Tracer

SPORTS

Cherry Nunag iniratsada Flying Titans

STANDINGS

TEAMS W L

Creamline 6 1

Choco Much 6 1

PLDT 6 1

Petro Gazz 5 2

Chery Tiggo 5 2

Cignal HD 4 2

Farm Fresh 2 4

Galeries Tower 2 5

Akari 2 5

NxLED 1 5

Capital 1 1 6

Strong Group 0 6

Mga laro sa Huwebes

(PhilSports Arena, Pasig)

4 pm – Farm Fresh vs Cignal

6 pm – Nxled vs Strong Group

Binalik sa ratsada nina Cherry Nunag at Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ang Choco Mucho, nilagot ang rumaragasang Galeries Tower, 25-13, 25-19, 25-17, upang puwersahin ang triple sa liderato ng 8th Premier Volleyball League 2024 3rd All-Filipino Conference eliminations Martes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

May importanteng bakas si Nunag na 12 points, kabilang 2 blocks at 3 aces, sa 16 markers ni Rondina para akbayan ng Flying Titans sa liderato sa 6-1 win-loss record ang defending champion Creamline at PLDT Home Fibr na winalis din ang Akari.

Pinagpatuloy ni Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino ang pahinga pero sakto na ang mga prinodyus ng dalawang magtropa upang hilain ang Highrisers pasalampak sa ikawalo kabuhol ang Power Chargers sa 2-8 sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

“I think lahat nakapaghinga after a series of tough games,” sey ni Nunag sa pagsunod sa sweep din ng kampo niya sa Akari nu’ng March 23, ukol sa mapaghamong schedule ng unang kalahati ng prelims, kabilang ang dalawang salang na umabot sa sagaran at magkaiba ang mga resulta.

“The break was a big relief for the team, nakita namin kung ano ang mga dapat i-adjust sa susunod na mga laro,” sey pa ng hinirang best player of the game.

Nagpahayag ng kasiyahan si coach dante Alinsurin dahil sa nagdeliber ang mga pinasok na balibolista sa paluan.

Binangko naman si Grace Bombita ni coach Lerma Giron sa pagsubok sa ibang kombinasyon at mabigyan ng tsansang makalaro ang iba, pero ‘di naging epektibo. Nanguna sa team sa iskoran si Audrey Paran na may siyam lang. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on