WebClick Tracer

NEWS

DENR inawat paglalabas ng bagong ECC

Pinasuspinde ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang pag-aapruba ng lahat ng aplikasyon para sa mga environmental clearance certificate (ECC) sa lahat ng nasa protected areas (PAs) ng mga regional offices.

Sa Memorandum na pinirmahan ni Yulo-Loyzaga nung Marso 26, 2024, inatasan niya ang mga undersecretary para sa field operations ng Depart-ment of Environment and Natural Resources, ang mga director ng Environmental Management Bureau at Biodiversity Management Bureau, lahat ng mga regional executive directors ng DENR at lahat ng regional directors ng EMB na gumawa ng imbentaryo ng lahat ng mga istraktura sa loob ng mga PA at suriin ang pagsunod nito sa mga environmental regulation and standard.

Pinapa-review din ni Yulo-Loyzaga sa kanila lahat ng mga ECC na inisyu na may kaugnayan sa mga protected areas.

Lahat ng mga pending at parating na ECC applications para sa mga proyektong nasa protected area ay kailangan nang isumite sa central office ng EMB para sa final review at approval. Kailangan na ring kumuha ng clearance ng Biodiversity Management Bureau lahat ng mga ECC para sa proyek-tong nasa protected areas at walang ECC na maaprubahan kung walang endorsement ng BMB.

Kung ito naman ay tinuturing na environmentally critical project, si Yulo-Loyzaga o ang kanyang kinatawan lamang ang makapagbibigay ng clearance.

Bumisita si Yulo-Loyzaga kahapon sa Mt. Apo kung saan may mga nakapagtayo na rin ng mga resort sa loob ng PA tulad ng nangyari sa Chocolate Hills ng Bohol. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on