WebClick Tracer

SPORTS

Hampasan na sa Palawan Pawnshop Paulino tennis

Bubuksan ang Mayor Rolen Paulino Jr. National Juniors Tennis Championships sa Olongapo City bukas (Huwebes), na sasabakan ng mga nangunguna at sumisibol na mga talento upang magrambulan sa mga karangalan at mahalagang puntos para sa siyam na age category.

Hudyat ang Group 1 tournament, pagkakaabalahan ng Olongapo Tennis Club, sa mahalagang pagbabalik ng country’s premier talent-search sa lungsod na pitong taong lumiban. Salamat sa pagsisikap ni Rolen Paulino Sr., ang dating alkalde at tagapangulo noon ng SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority), at ngayo’y nasa board ng BCDA (Bases Conversion and Development Authority).

Umaasa ang host city, kilala sa pagprodyus ng mga batikang tenista gaya nina PJ Tierro, Jurence Mendoza at Nico Riego De Dios, mula sa torneo na presentado ng Dunlop, na makakatuklas at makakahubog ng susunod na henerasyon na mga magiging miyembro ng pambansang koponan sa hinaharap.

Nagpahayag si Mayor Rolen Paulino Jr. sa kasaysayan na prinodyus ng lugar na matatalentong manlalaro na naging mahusay ‘di lang sa academic kundi maging sa sport man, tinukoy kasalukuyang ang mga batang atleta ng lungsod na alumni at alumnae na na nasa prestihiyong mga pamantasan.

Ilan sa kanila sina Zaza Paulino ng National University, Tata Paulino, Roman Floreza at Trysha Vytiaco ng University of Santo Tomas, Mary Rivero, Axl Gonzaga at AJ Rivero ng Ateneo de Manila University, Julian at Justine Mendoza at Jerome at Jonas Silva ng University of the Philippines.

“They are the footsteps being followed by the young players of today,” hirit pa ng nakabatatang Paulino.

Ang tourney ay parte ng nationwide circuit ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro. Sa mga detalye pa, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464.

Tampok sa malakas na local lineup na mga palaban various categories, sina Jan Cadee Dagoon, Shiloh Cruz at Ayl Gonzaga sa girls division, at Darwin Cosca, Andrei Torrente, Kirk Gonzaga, Anthony Cosca at John David Vytiaco sa boys’ competitions.

May basbas ng Philippine Tennis Association o Philta, PPS-NTC at UTR, at pinapadrinuhan ng Slazenger at ni Philta Regional Vice President Rolen Paulino Sr., pagrarambulang mga kategorya ang 10-unisex, 14- at 18-&-U doubles, sa boys’ at girls’ divisions.

Mangunguna sa mga hahambalos sina Chloe Mercado at Althea Liwag sa girls’ 18-&-U, Sandra Bautista at Ave Maria Policarpio sa 16- at 14-&-U classes, si multi-titled Maristella Torrecampo ang top seed sa 12-&-U play.

Malamang na makilabo-labo sina Ariel Cabaral, Jayson De Regla at Samuel Davila kay Cosca sa boys’ premier division, habang si Antonio Ng Jr. ang mamumuno sa 16-&-U, kasama sina Davila, Alexander Clark at Gil Niere.

Babanggain nina Mikael Honrado at Marcus Go sinal Vytiaco at Cosca sa 14-&-U title, samantalang sina Go at Pete Niera ang mga patok sa 12-&-U. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on