WebClick Tracer

NEWS

Herbosa, Garin ‘sabong’ sa hubad panty

Kinontra ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang suhestiyon ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin na maghubad na lamang ng panty ang kababaihan upang makaiwas sa fungal infection ngayong tag-init.

Ayon kay Herbosa, mas mainam umanong magsuot ng cotton underwear ang kababaihan sa gitna ng nararanasang matinding init sa bansa para maiwasan magkaroon ng fungal infection.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Herbosa na may basehan naman ang payo ni Garin dahil nagkakaroon ng fungal infection tulad ng candidiasis ang private part ng kababaihan dahil sa sobrang init.

“Ang advice naman niya ang usually advice for candidiasis. Wear cotton underwear is an option, kung ayaw n’yong mag-commando, mag-cotton underwear. It also does not trap moisture, yung pawis allows for fungal infection to proliferate,” pahayag Herbosa sa tanong ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health.

“Fungi and heat kapag mainit pinagpapawisan, may moisture sa private area of women. It can lead to candidiasis or itchiness sa genital area,” dagdag pa niya.

Kinatigan naman ito ni Health Undersecretary Emmie Chiong dahil ito rin ang ipinapayo ng mga Ob-Gyne (obstetrics and gynecology). (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on