WebClick Tracer

SPORTS

Juami Tiongson, Stephen Holt bantay-sarado sa Meralco

STANDINGS

TEAMS W L

San Miguel 3 0

NLEX 4 1

NorthPort 3 1

Ginebra 3 1

Terrafirma 3 2

Blackwater 3 2

TNT 2 2

Magnolia 1 1

Meralco 2 3

Rain or Shine 1 4

Phoenix 1 4

Converge 0 5

Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – Meralco vs Terrafirma

7:30 pm – Rain or Shine vs Converge

Papasok sa second half ng 11-game eliminations ng PBA Philippine Cup, nagkukumahog sa puwestuhan sa playoffs ang mga team na at least naka-five games na.

Kabilang dito ang 3-2 Terrafirma at 2-3 Meralco na magsasalpukan sa first game ng double-header mamayang alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi na puwedeng ipag-walang-bahala ang Dyip.

“Sa ngayon, you can see that they’re gelling well,” punto ni Bolts coach Luigi Trillo. “They’re playing as a team so not only do they have the pieces, mga solid na tatlo o apat, pero pati ‘yung ibang players nila maganda ngayon nilalaro.”

Markado ni Trillo ang main men ng Terrafirma na sina Juami Tiongson, Stephen Holt, Javi Gomez De Liano, Isaac Go. Isasagupa ng Meralco sina Chris Newsome, Cliff Hodge, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Aaron Black.

Parehong +1 ang magkatunggali, target ang pangalawang sunod na panalo para manatili sa top 8 na uusad sa quarterfinals. Lalo sa Dyip, kukuha ng momentum para sa misyon.

“Last six games namin, dapat makatatlo man lang kami (na panalo),” lahad ni coach Johnedel Cardel na hindi pa pumapalaot sa playoffs sapul nang hawakan ang Dyip noong 2018. “Kaya lang, mabigat. After Meralco, Ginebra naman on Sunday tapos San Miguel next Wednesday.”

Kritikal ang April dahil limang laro din ang sasalangan ng Bolts ngayong buwan.

“Kasi everybody’s looking for placing,” paliwanag ni Trillo. “So some teams at the top can cement themselves in their positions, and some of the lower teams can come back to life.” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on