WebClick Tracer

NEWS

Mga OFW sa UAE tinodo benepisyo, proteksyon

Pinuri ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE), sa ilalim ng pamumuno ni His Highness Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, dahil sa makabuluhang hakbang sa pagpapahusay ng kalagayan sa paggawa ng mga foreign worker doon.

Partikular na binanggit ni Pimentel ang pagbaba ng bilang ng mga tumakas na OFW nga¬yong taon kabilang ang mga Filipino domestic worker sa UAE.

“The efforts undertaken by the UAE government, alongside the close cooperation with our very hardworking labor attachés, demonstrate a com-mitment to ensuring the protection and rights of all workers,” saad ng senador.

Ikinatuwa rin ni Pimentel ang inisyung direktiba ng UAE government na nag-aatas na magkaroon ng compulsory health insurance scheme ang lahat ng private sector employees at domestic workers. Epektibo sa 2025, obligado ang mga em-ployer na magbigay ng health coverage para sa kanilang registered workers kapag nais¬yuhan na ng residency permits. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on