WebClick Tracer

NEWS

Mga same-sex couple bet bigyan ng ‘K’ sa ari-arian

Itinulak sa Kamara de Representantes ang isang panukala upang magkaroon ng karapatan na magkaroon ng ari-arian ang mga same sex couple.

Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa ilalim ng kanyang House Bill 10206 ay bibigyan ng karapatan ang same-sex couple na bumili, magmay-ari at magbenta ng mga ari-arian.

“Though through the years there has been change in the mindset of people on long-standing stereotypes and generalizations with social perceptions becoming more accommodating of the LGBTQ+ community, there’s still no legislation that guarantees equal rights for everybody regardless of sexual orientation or gender identity,” sabi ni Magsino.

Kasama sa HB 10206 ang paglilinaw kaugnay ng mga usapin ng pangungutang, regalo at kung ano ang magiging hatian kapag naghiwalay ang same-sex couple. Nanawagan si Magsino sa kanyang mga kasama sa Kamara na suportahan ang panukala. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on