WebClick Tracer

METRO

Nategi sa ‘whooping cough’ sa QC, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ng pitong panibagong kaso ng ‘pertussis ‘ o ‘whooping cough’ ang Quezon City nitong Lunes.

Sa kabuuan, aabot na sa 32 kaso ng pertussis sa lungsod na mas mataas sa 27 kaso sa buong taon ng 2023.

Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, mula sa tatlo ay umakyat na sa lima ang mga nasawi sa nasabing sakit na katumbas ng 16% na case fatality rate.

Samantala, 21 naman sa mga dinapuan ng sakit ay mga sanggol na may edad na isang taong gulang pababa.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Pertussis sa lungsod, puspusan na ang QC Health Department at City Epidemiology and Surveillance Unit sa kanilang bahay-bahay sa mga barangay para sa Health Education. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on