WebClick Tracer

OPINION

Opisyal ng CHED sa Luzon inirereklamo

Mismong mga mag-aaral ng isang state university sa Pampanga ang nagpapasaklolo kay Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa isang professor na may mataas ding posisyon sa Commission on Higher Education (CHED).

Ang inirereklamo ay ang CHED official na professor din sa Don Honoria Ventura State Universtity (DHVSU) sa Pampanga. Kabilang sa reklamo laban dito ay grave misconduct, neglect in the performance of duty and abuse of authority or oppression.

Batay sa reklamo ng isang Tourism student ang opisyal ay may sarili umanong patakaran para makapasa ang kanyang mga estudyante lalo na ang mga graduating students.

Kapag hindi umano sumunod, puwedeng hindi siya maka-graduate. Isa nga raw MBA student ang nagreklamo rin dahil kahit kumpleto ang mga isinumite niyang requirements ay binigyan siya ng naturang opisyal ng Incomplete na grado.

Ang alegasyong ito ang nagtulak para kasuhan ng grave misconduct neglect of performance of duty at abuse of authority ang opisyal.

Sa ngayon daw ay nailapit na ng mga estudyante ang kanilang reklamo sa tanggapan ni Ched Chairperson Prospero de Vera III at naipadala na rin umano ni Chairperson de Vera ang isyung ito sa tanggapan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Naghihintay ngayon ang mga nagreklamong mag-aaral ng aksyon mula sa CHED at Malacañang. Nais nilang imbestigahan at mabigyan ng karampatang disiplina ang propesor.

Sa mahal ng tuition ngayon, hindi naman karapat-dapat na mag-astang Diyos ang mga propesor kahit pa nga sila ay opisyal ng CHED o kahit ng Department of Education (DepEd). Kung nakaka-comply sa mga requirements ang mga mag-aaral at naipapasa nito ang lahat ng mga pagsusulit, walang dahilan para bigyan sila ng gradong incomplete o kaya ay bagsak na grado dahil lamang sa hindi sila bet ng propesor. Wag po tayong abuso sa posisyon.

Sana nga ay maaksyunan na ito ng CHED at ng tanggapan ng ating Pangulo. Naniniwala kaming hindi naman kukunsintihin ng mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno ang mga ganitong pang-aabuso lalo na kung ang mga inaabuso ay mga mag-aaral. Aabangan natin ang mga susunod pang kaganapan ng reklamong ito.

Minsan ng sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang inirereklamong CHED exec na si Commissioner at professor Aldrin Darilag dahil sa ilang sablay sa CHED.

Para sa patas na pamamahayag bukas ang ating pitak para sa paliwanag ng inirereklamong opisyal.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on