WebClick Tracer

NEWS

Quiboloy mailap! Senado pasaklolo sa PNP

Humingi ng saklolo sa Philippine National Police (PNP) ang Office of the Senate Sgt.-At-Arms (OSAA) ng Senado para maaaresto si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Matatandaang inisyuhan ng arrest warrant si Quiboloy matapos ang ilang ulit na hindi pagsipot sa hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gendel Equality hinggil sa reklamo ng pang-aabuso umano ng pastor sa mga dating miyembro ng KOJC.

Ayon kay Davao police spokesperson Police Captain Hazel Tuazon, inatasan ng PNP headquarter sa Camp Crame ang Police Regional Office 11 na tumulong sa OSAA sa paghahain ng arrest warrant kay Quiboloy.

Hanggang nitong Martes, hindi pa dumadating sa Davao ang mga kagawad ng OSAA at wala pa ring nakukuhang kopya ng arrest warrant ang mga pulis doon.

Hindi rin umano alam ng Davao police kung saan hahanapin si Quiboloy na nagsimulang magtago matapos makatanggap ng banta umano sa kanyang buhay.

Itinanggi naman ni Tuazon na tinatago o prinoprotektahan nila si Quiboloy.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on