WebClick Tracer

NEWS

Recto bilib sa Prime Infra power project

Bumilib si Finance Secretary Ralph Recto sa dalawang big-ticket power storage projects sa Laguna ng Prime Infrastructure Capital Inc. ng bilyonaryong si Ricky Razon na nagkakahalagang $7.6 bilyon o P425.6 bilyon.

Dumalo si Recto sa Green Lane Awarding Ceremony para sa Pakil Pumped Storage Power Project ng Ahunan Power Inc. ng Prime Infrastructure na nagkakahalagang $5.03 bilyon o P281.68 bilyon at ng Wawa Pumped Storage Power Project ng Olympia Violago Water na nagkakahalagang $2.57 bilyon o P143.92 bilyon.

Nasa 14,000 megawatt-hour per day ang storage capacity ng Pakil Pumped Storage Power Project at may generating output capacity ito na 1,400 MW samantalang ang storage capacity ng Wawa Pumped Storage Power Project naman ay 6,000 MWH per day at ang generating output ay 600 MW.

“Today’s Green Lane Awarding Ceremony is a resounding testament to the Marcos Jr. administration’s strong determination to move faster towards a cleaner energy nation and establish the Philippines as a renewable energy investment hub in Asia,” sabi ni Recto kahapon. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on