WebClick Tracer

METRO

Tricycle inararo ng bus, 4 sakay todas

Todas ang apat na pasahero matapos suwagin ng pampasaherong bus ang sinasakyan nilang tricycle sa Manila North Road, Urdaneta City, Pangasinan noong Linggo.

Kinilala ng Urdaneta City Police Station (UCPS) ang mga biktima na sina Joegie Moso Taguidin, 62, tricycle driver; mga pasahero nitong sina Raymund Andres Lasalita, 32; Reynaldo Paet Rodillas, 57, at Romeo Paet Andres, 50, pawang \ residente ng Brgy. Balligi, Laoac, Pangasinan.

Sa inisyal na report ng UCPS, lumipat ang tricycle ng linya dahilan para mabangga ng Santa Lucia Express bus na minamaneho ni Rangie Labasan Omotoy, 41.

Dinala ng pulisya si Omotos ngunit nagkaroon ng amicable settlement sa parte ng mga pamilya ng mga biktima.

(Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on