WebClick Tracer

SPORTS

Victor Nuarin, CCI pinagdiskitahan Keanzel

Sa paggiya ni Victor Ryan Nuarin, ibinuhos ng CCI-Yengskivel ang ngitngit sa Keanzel Basketball, 80-73, sa 12th Philippine Basketball Association Developmental League 2024 Aspirants Cup eliminations Lunes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumomba si Nuarin ng 9 points, 5 rebounds at 2 steals sa pagbalikwas ng Crusaders mula sa nakapanlulumong ‘binyag’ na olats sa EcoOil-La Salle at sumampa sa tersera sa 1-1 (win-loss) sa six-team men’s hoopfest.

Pinuhunan ng Bulacan-based squad ang 38-13 lead sa opening quarter, pero kumayod pa rin sa third stanza at tinabig ang endgame rally ng KB na dumikit sa 73-75 wala nang 1 minuto upang isalya ang biktima sa 0-2.

“Muntik na. Buti nakapag-settle down kami. Nakapagpondo kasi kami nang malaki at iyon ang mahalaga. ‘Yun ang nag-materialize sa dulo,” suma ni CCI-Y coach Arwin Adina.

Bitin para sa Keanzel ang iniskor na 17 at kalawit na 17 boards ni Rudolfo Alota.

Ang iskor

CCI-Yengskivel 80 – Nuarin 19, Manipolo 13, Tener 11, Buenaflor 11, Jawili 6, Galvez 5, Esguerra 5, Dela Cruz 5, Talagtag 3, Puzon 2, Verdadero 0, Guray 0, De Guzman 0.

Keanzel 73 – Alota 17, Gayosa 15, Ceniza 14, Wong 6, Villaflor 5, Sison 4, Calacalsada 4, Baclig 4, Villamor 5, Panlilio 0, Camay 0, Magpayo 0, Advincula 0.

Quarters: 38-15, 46-38, 60-48, 80-73. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on