WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Ex-mayor tirador ng mga beauty queen

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating alkalde na tumitikim ng mga contestant sa beauty pageant ng kanilang siyudad?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, kilalang pakboy daw itong si ex-mayor dahil sa dami ng babaeng dumaan sa pagitan ng kanyang hita.

Nakakalusot daw sa pambababae itong si ex-mayor kahit napakahigpit ng kanyang misis.

Kapag may beauty pageant daw sa kanilang siyudad, binubulungan ang ilang contestant na makipagkita kay ex-mayor kung gustong manalo o makakuha ng magandang puwesto sa coronation night.

Magtataka na lamang ang ibang contestant kapag nakakuha ng first place o second place ang kandidata kahit hindi naman maganda ang sagot sa Q&A. `Yun pala tinimbre na ni ex-mayor sa ilang judge ang mga dapat bigyan ng malaking score.

Ang ibang natitipuhan ni kolokoy, ginagarahe nito sa malayong lalawigan para nga naman hindi ito masalakay ng kanyang kumander.

Ang classic nito, kahit marami nang tinuhog si ex-mayor na beauty queen, naging suki pa rin ito ng mga spa dahil sa kakaibang serbisyo rito.

Clue: Ang ex-mayor na tinitikman ang mga contestant sa beauty pageant ay may ibang puwesto na ngayon sa gobyerno.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on