WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Ex-gov’t exec, misis dinuraan pagkain sa resto

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating government official na kumain ng putahe na may halong dura dahil sa mahadera niyang misis?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, nag-dinner daw ang mag-asawa sa isang fine dining restaurant dahil weekend at walang trabaho si mister.

Itong si misis, nabuwisit daw sa ilang crew ng restaurant, aba’y gusto yatang VIP ang pagtrato sa kanilang mag-asawa.

Kahit maliit na bagay lang, sinabon daw ng babae ang crew at dinamay pa ang staff ng restawran, habang si mister ay panay naman ang awat pero walang magawa sa bungangera niyang misis.

Noong nakapili na si misis sa menu, agad na niluto ng chef ang order ng mag-asawa as in naging priority sila sa listahan.

Mabilis daw na nai-serve sa dalawa ang pagkain, at si misis ay sarap na sarap sa putahe na tila nawala ang init ng ulo.

Walang kaalam-alam ang mag-asawa na dinuraan pala ng crew ang kanilang pagkain bilang ganti sa kagaspangan ng ugali ng misis ng dating government official.

Clue: Mahuhulaan n’yo ang pangalan ng dating government official kung pupunta kayo sa bahay niya, habang ang misis niya ay may letrang M sa pangalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on