WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Mayor binulsa allowance ng mga student athlete

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong alkalde na binulsa ang allowance ng mga student-athlete sa kanilang bayan?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, kinuha daw ni mayor ang P6,000 allowance ng mga estudyante na napiling maging kinatawan ng kanilang bayan sa mga sports meet.

Noong una raw, laking tuwa ng mga estudyante dahil sila ang magiging pambato ng kanilang bayan. Alam din nila na bilang athlete, may ibibigay na P6,000 allowance mula sa Department of Education (DepEd).

Maraming dugo, pawis at luha raw ang pinuhunan ng mga estudyante sa pagsasanay at sa pagsabak sa torneo pero wala man lang daw pumatak ni isang kusing sa kanilang ATM account.

Napilitan daw tuloy ang mga magulang na mag-usisa kung bakit hindi binibigay ang allowance ng kanilang mga anak na atleta.

Aba’y nagmatigas pa si mayor na malaki raw ang ginagastos niya sa pag-training ng mga atleta, kulang na lang sabihin ay abonado pa siya para matahimik ang mga nagrereklamong magulang.

Sa kapipilit ng mga magulang, nagbigay daw ng tig-P1K si mayor sa mga student-athlete pero ang balanseng P5K ay hindi na talaga binigay.

Clue: Ang mayor na nambukol sa mga student athlete ay mula sa malayong lalawigan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on