WebClick Tracer

SPORTS

2nd PMAC abangan

Isa sa malaking palaro sa track and field sa taong ito ang 5 Throws For All 2nd Philippine Masters Athletics Championships 2024.

Nakatakda po iyan sa May 4-5 sa PhilSports Track and Field Oval sa Meralco, Oranbo, Pasig na oorganisahin ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines sa pamumuno ni Drolly Cravall.

Ang torneo ay bukas sa mga atletang may 35 taon at pataas na may men’s at women’s individual categories, team relay at mixed gender team relay categories.

Mga event na paglalabanan ang 100m, 200m, 400m, 800m, 1,500m, 2,000/3,000m steeplechase, 5,000m, 10,000m, 3,000m race walk, 80m hurdles, 100m hurdles, 110m hurdles, 400m hurdles;

High jump, long jump, triple jump, avelin throw, shot put, discus throw, pole vault, hammer throw, 4x100m relay, 4x100m mixed relay, 4x400m relay at 4x400m mixed relay.

Sasabak ang PSC-POC Media Group Team sa paligsahan. Ilan sa maagang nagkumpirma sa mediamen squad sina June Navarro ng Philippine Daily Inquirer, Randy Caluag ng Manila Standard, ang inyong lingkod (RDC) o TP at Angelito ‘Lito’ Oredo ng Abante at nitong Abante TONITE, at Nympha Ang ng Bulgar.

Nagpapasalamat ang PSC-POCMG kina coach Edward Obiena at Ms Judith Staples ng NMSAAP sa pagkakataong ito.

Aayuda sa dalawang araw na kaganapan ang Masiv Sports, The Zen Institute, wrist_pod, Great Sierra Development Corporation, Drolly’s, Penser G, Philippine Athletics Track and Field Association at Philippine Sports Commission.

Sabi nga po nila ‘kalabaw lang ang tumatanda.’

Kita-kits po.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on