WebClick Tracer

SPORTS

Abdul Olusesi binulaga San Beda

STANDINGS

TEAMS W L

EO-DLSU 4 0

MPS-SBU 3 1

CEU 3 1

Y-CCI 1 3

GT-SSC 1 3

Keanzel 0 4

Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena-Pasig)

4 pm – Go Torakku-St. Clare vs Keanzel Basketball

5:30 pm – CEU vs CCI-Yengskivel

7:30 pm – EcoOil-La Salle vs Marinerong Pilipino-San Beda

Maagang gumana ang gunners ng Centro Escolar University, nagpundar ng 20-point lead bago sinalag ang rally ng Marinerong Pilipino Skippers-San Beda University sa dulo at naipreserba ng Scorpions ang 72-63 win sa PBA D League Aspirants Cup elims sa Ynares Arena sa Pasig nitong Martes ng gabi.

Nam-bully si Abdul-Wahab Olusesi ng 16 points, 15 rebounds, sinegundahan ng 15 markers ni Ray Diaz at 12 pa si Jerome Santos at sinagpang ng Scorpions ang pangatlong panalo sa apat na laro.

Dumikit pa sa apat ang Red Lions 3 minutes pa sa laro bago naubusan sa dulo at natagpas ang three-game winning streak tungo sa 3-1 din.

“What I wrote on the board aside from the technicalities and Xs and Os is ‘David and Goliath’,” litanya ni CEU coach Jeff Perlas. “San Beda is a strong team. They’re the Goliaths in this game and we’re the Davids, but nothing is impossible for us as long as we believe there is a David inside us.”

Didiretso sa semis ang Scorpions sakaling talunin ang out na ring CCI-Yengskivel sa pagtatapos ng eliminations ngayong Huwebes.

Obligado naman ang Beda na talunin ang 4-0 EcoOil-La Salle ngayong araw rin para mapuwersa ang Green Archers at Scorpions sa three-way tie sa first place.

Selyado na ng La Salle ang puwesto sa semis sa bisa ng 28-point win sa CEU noong April 2.

Nilampaso din ng Go Torakku-St. Clare ang CCI-Yengskivel 118-84 tungo sa 1-3 card ng dalawang kampo. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on