WebClick Tracer

METRO

Abogado, kasabwat na tulak laglag sa P1.3M shabu

Swak sa piitan ang isang abogado at kasama niyang babae na umano’y mga bigtime drug pusher matapos bumigay sa ikinasang buy-bust at makumpiskahan ng P1.3 milyong halaga ng shabu sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico Maranan ang mga nadakip na isang 57-anyos private lawyer, at kasamang 39-anyos na si Maria, kapwa taga-Quezon City.

Ayon kay PMaj Wennie Ann Cale, officer-in-charge ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), nakatanggap sila ng report hinggil sa illegal drug activities ng dalawa sa Brgy. Central Diliman, QC.

Agad ikinasa ng DDEU ang buy-bust kung saan isang pulis ang nagsilbing poseur buyer.

Nang makabili ng shabu sa halagang P81,000.00, dito na dinakma ang mga suspek.

Nakuha sa dalawa ang nasa 202 gramo ng shabu, black belt bag, weighing scale, cellphone at buy-bust money.

(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on