WebClick Tracer

SPORTS

Chenie Tagaod petmalu vs Lady Warriors

STANDINGS

TEAM S W L

x-NU 10 2

x-DLSU 10 2

x-UST 10 2

x-FEU 8 4

y-ADMU 4 8

y-ADU 3 9

y-UE 2 10

y-UP 1 11

Mga laro sa Sabado

(Philsports Arena, Pasig)

2 pm – FEU vs UP

4 pm – AdU vs NU

Sinangkalan ng Far Eastern University ang papawis ni Chenie Tagaod upang muling suwagin ang University of the East, 25-19, 25-15, 22-25, 25-16, sa 86th UAAP 2023-24 Women’s Volleyball Tournament 2nd round elims Miyerkoles ng gabi sa Big Dome.

Bumanat siya ng 21 points sa paramdam pa ng Lady Tamaraws sa sa Top 2 mula sa kinalalagyang pang-apat sa 8-4 win-loss record sa papatapos na 14-game elims.

Pero depende pa iyon sa mga ipapakita ng nasa triple-tie sa lead na University of Santo Tomas, National University at De La Salle University na may pare-parehong 10-2. May twice-to-beat bonus ang 1-2 sa semis.

‘Di kineri ng 17 markers ni Casiey Dongallo ang talsik na sa next round na Lady Warriors sa pagkabaon sa pampito pa rin sa 2-10. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on