WebClick Tracer

NEWS

Luzon, Visayas tinaas ulit sa yellow alert

Muling nagdeklara ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon at Visayas grid kahapon dahil sa manipis ang reserbang kuryente at maaaring magkaroon ng brownout sa ilang mga lugar sakaling may pumalyang planta.

Ipinatupad ang yellow alert sa Luzon grid mula ala-una ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi dahil 1,969.3 megawatts ang nabawas sa suplay ng kuryente.

Nabatid na may 18 planta ang naka-forced outage at tatlo naman ang nabawasan ang suplay ng kuryente.

Ayon sa NGCP, nasa 13,607MW ang available na kuryente at 12,874 naman ang peak demand.

Mula ala-una ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi naman ang yellow alert sa Visayas grid.

Sabi ng NGCP, nabawasan ng 698MW ang kuryente nito dahil 13 planta ang naka-forced outage at lima naman ang nabawasan ang kapasidad.

Ang peak demand ay nasa 2,523MW habang 2,713MW naman ang available capacity. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on