WebClick Tracer

NEWS

Pagasa: 52°C init namumuro sa Mayo

Inalarma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko dahil posibleng pumalo umano sa “extreme danger” ang heat index pagsapit ng buwan ng Mayo.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko sa posibleng maranasang “extreme danger” na temperatura na aabot o higit pa sa 52°C.

Kaugnay nito, inihayag ng ahensiya na 17 lugar ang nakaranas ng matinding init nitong Miyerkoles, Abril 17.

Ayon sa Pagasa, kabilang sa mga lugar na nakaranas ng heat index na 44°C ay ang Dagupan City, Pangasinan; Ambulong, Tanauan, Batangas; Puerto Princesa City, Palawan; at Aborlan, Palawan.

Pumalo naman sa 43°C ang heat index sa Bacnotan, La Union; Sangley Point, Cavite; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; at Catarman, Northern Samar.

Habang 42°C naman sa Aparri, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan; ISU Echague, Isabela; Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City; San Jose, Occidental Mindoro; Virac, Catanduanes; at Tacloban City, Leyte.

Karaniwang sinusukat ng heat index ang temperatura na nararamdaman ng isang tao.

Ang mapanganib na antas ng heat index ay mula 42°C hanggang 51°C. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on