WebClick Tracer

NEWS

Pertussis lomolobo, 63 na tigok – DOH

Patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa bansa.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nabatid na mula Enero 1 hanggang Abril 6 ay umabot na sa kabuuang 1,477 ang naitalang pertussis cases at 63 pasyente na ang nasawi.

Nabatid na sa nakalipas na anim na linggo, nakitaan rin umano ng DOH nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng pertussis ang Cagayan Valley, Central Luzon, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Bicol Region.

Sa kabuuang pertussis cases naman, nabatid na 76% ang wala pang limang taong gulang habang ang adults na edad 20 pataas ay nasa 4% lamang.

Tiniyak naman ng DOH na magpapatuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang tugunan ang paglobo ng pertussis habang hinihintay ang pagdating sa bansa ng tatlong milyong pentavalent (five-in-one) vaccine doses sa Hunyo.

Nalaman na nakabili na rin umano sila ng DPT (“three-in-one”) doses upang maiwasan ang posibleng kakapusan ng bakuna sa Mayo. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on