WebClick Tracer

SPORTS

Rhose Dapol pasabog vs Lady Cards

Mga laro sa Biyernes

(FilOil EcoOil Arena, San Juan)

10 am – JRU vs CSJL

2 pm – AU vs SBU

Kumana si Mary Rhose Dapol ng triple-double nang balasahin ng University of Perpetual Help System Dalta ang Mapua University, 25-20, 26-24, 20-25, 25-20, sa NCAA Season 99 Women’s Volleyball Tournament 2023-24 first round eliminations Miyerkoles ng hapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Nagbaon siya ng 20 points sa likod ng 19 attacks at 1 service ace, pang-ibabaw sa 11 digs at 10 receptions para iangat Lady Altas kartang 2-1 para sa pang-apat na puwesto sa 10-team volleyfest.

Lagpak sa fpur-way tie sa fifth place ang Lady Cardinals sa 1-2.

Nasa Top 3 ang College of Saint Benilde (4-0), Colegio De San Juan De Letran (3-0) at Lyceum of the Philippines (3-0). Kabuhol ng Cards na may 1-2 rin ang Jose Rizal University, Arellano University, at San Beda University.

Apat na sets ang kinailangan ng Perpetual Help na halos dumaan sa butas ng karayom bago nasilo ang inaasam na panalo.

Nakarebanse sila mula sa pagkabigo kontra Lady Knightssa nakaraang Sabado sa straight-set.

Matapos yumuko sa third frame, lumabas ang bangis ng Las Piñas-based squad, sa fourth set upang tapusin ang Lady Cards.

Bumakas din si Shaila Omipon ng 16 pts. habang umiskor pa ng 8 si Camille Bustamante sa pakikipagsabwatan ng puwersa kay Dapol.

Si Freigh Anne Garcia ang nanguna sa iskoran para sa mga balibolista ng Muralla sa 21 puntos habang naka-16 si Roxie Dela Cruz. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on