WebClick Tracer

SPORTS

RLC Residence IRONKIDS Sabado ang arangkada

Rarampa ang mga Philippine triathlon star sa hinaharap pag-arangkada ng RLC Residences IRONKIDS sa Sabado (April 20) sa The Reef Island Resort sa Mactan, Cebu.

Ang aquathlon event ay dinesenyuhan para sa mga sasabak na may edad pa lang na mga 5-16 na taon, misyong maigiit ang halaga ng aktibo at masiglang pamumuhay sa mga kabataan.

Maglalabo-labo sila sa mga titulo ng pitong grupo ng kategoryang taon na mula sa 6-8 hanggang 13-15, parehong sa individual at mixed relay divisions. Ang karera ay nakatakda base sa swim and run para sa bawat age-group, tumitiyak sa mapaghamon pero masayang kompetisyon para sa lahat ng kalahok.

Itinakda ang sa 6-8 age group sa 100m swim, 1km run. Sa 9-10 ay 150m swim, 1.5km run, habang sa 11-12 contenders ay 200m swim, 1.5km run sa kaganapang oorganisahin ng The IRONMAN Group.

Ang 13-15 ay 250 swim, 2km run.

Sa relay events, ang 6-10 ay 100m swim, 1km run, at s 11-15 group ay 200m swim, 1.5km run.

Sa mga detalye pa, bisitahion ang ironkids.com.ph o kontakin ang sai.mayol@ironman.com. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on