WebClick Tracer

NEWS

Tsuper ni Chavit pinitik! Maraming feeling entitled sa EDSA Busway – DOTr

Hindi naiwasang punahin ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang ilang pribadong motorista na nagpipilit dumaan sa EDSA Busway kahit alam na hindi sila puwedeng dumaan sa lugar na inilaan para lamang sa mga pampublikong bus.

Ayon Kay DOTr Executive Assistant to the Secretary Jonathan Gesmundo, maraming drayber na “feeling entitled” at pinagpipilitang hindi sila sakop ng mga patakaran sa busway.

Tinukoy ni Gesmundo ang drayber ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang nagpakilalang pamangkin ng isang heneral gayundin ang Land Cruiser na may plakang number 7 na kalaunan ay inamin ni Senador Francis “Chiz” Escudero na sa kanya naka-isyu ang protocol plate.

Sinabi ni Gesmundo na kahit anong gawin nila para maging maayos ang biyahe sa public transport ay hindi masunod-sunod dahil sa mga pasaway na pribadong drayber.

“Ewan ko kung ang daming hindi alam o talagang pasaway. Pero ang para sa amin ay bakit ang daming mga driver na feeling entitled na hindi sila sakop ng rules ng busway,” ani Gesmundo. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on