WebClick Tracer

SPORTS

Sports Scribes, Solar Boys rambol sa titulo ng ‘PSA’

Labo-labo ang Smart Sports Scribes at Capital1 Solar Boys para sa titulo ng 204 Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup Men’s Basketball Tournament sa Lunes (April 22) sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nahulma ang karibalan makaraan ang kapana-panabik na magkahiwalay na panalo ng dalawa sa mga karibal sa semifinals noong Martes (Apr. 16) ng gabi sa nabanggit ding pasilidad na nasa Rizal Memorial Sports Complex sa nasabing lugar.

Pinasimangot ng ng Smart ang Say Chiz Smileys sa overtime, 54-53, sa likod ng jumper ni Reuben Terrado ng Spin.ph.

Isang floater naman ni Karlo Sacamos at split free throw ni Johnas Dannug sa endgame ang naglusot sa Solar Boys kontra sa kinapos ng werpang Strong Group Athletics Press Row Boys, 71-70.

May 10 points na produksiyon si Terrado sahog ang 7 rebounds sa likod ng 20-10 ni Bobby Endaya ng People’s Journal samantalang bumak-ap si AJ Bolando ng 12 markers, 13 boards, 4 assist at 2 blocks sa Sports Scribes na mga suportado ng Headstart Sports Academy, Danny Espiritu, at BaliPure.

Sablay ang off-balance jumper nang nakipagbuno sa sakit na si Cedelf Tupas sa buzzer na pwedeng magbaligtad sa resulta pagkaraan ng basket ni Terrado.

Si Thirdy Duka ng Philippine Daily Inquirer ang nagpatawa sa Smileys nang makabasket sa regulation para sa OT saka kinapos.

Nagposte si Jonas Terrado ng PDI ng 13 pts. at 18 rebs. sa Say Chiz na makakalaban para sa tersera ang SGA.

Si John Bryan Ulanday na may 21 puntos ang namayagpag sa Solar na suportado nina Mandy at Milka Romero, Uratex, Bulakan Mayor Vergel Meneses, at Rebel Sports. May tig-16 pts. sina Mark Montejo ng Manila Bulletin at Aldo Aviñante para rin sa Solar.

Naka-21 pts. din si Eugene Flores ng One Sports samantalang si Diego Dela Paz ay may 19 pts. at 16 rebs. sa Press Row.

Ang torneo ay isa sa mga proyekto ni PSA president Nelson Beltran ng The Philippine Star. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on