WebClick Tracer

OPINION

Nakalibre ng P5,000 sa EDSA busway

Iisa ang tanong ng maraming netizens, mga driver at mga rider, pati na ang mga ayudanatics nating kurimaw, kung sino ang pinagpalang “assistant secretary” o Asec ng Department of Transportation (DOTr) na may mahiwagang “pases” para dumaan sa “mapanuksong” EDSA Busway.

Pero bago ‘yan, sinabi ng lider ng Kamara na si Speaker Martin Romualdez na gusto nitong magbenta muli ng murang bigas ang National Food Authority (NFA) kaya raratsadahin nilang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).

Dating nag-iimport ng bigas ang NFA at ibinebenta nila ito nang palugi sa mga tao. Pero nang maipasa ang RTL, pinagbawalan na ang NFA na mag-angkat ng bigas at magbenta. Ang trabaho na lang nila, bumili ng palay sa mga magsasaka at iimbak.

Ang naging tiba-tiba sa rice import, ang mga negosyante. Inakala kasing magmumura ang bigas kapag dumami ang rice import sa merkado. Pero nganga sa gutom pa rin ang maraming utaw dahil nanatiling mahal ang bugas.

Kaya ang nakikita na namang sagot sa murang bigas, magbenta ulit ng NFA rice. Pero hirit ng mga kurimaw nating mahilig sa lugaw, dapat ding isama ng tropa ni Speaker at Ryan Pacpaco, sa gagawing pagrepaso sa pagbabalik ng NFA rice ang dating mga naging problema nito.

Kabilang na ang pagkalubog sa utang ng NFA, at ang hokus-focus na pinapalitan ng pangit na bigas ang magandang bigas na inangkat bago ibenta nang mura sa mga utaw. Ang inimport ng bigas ng NFA, ibebenta naman ng mahal. O kaya naman eh hahaluan ng pangit na bigas ang inimport na NFA rice.

Kung sa NFA o sa mga trader nagkakaroon ng bigas-switching, yan ang dapat na alamin para hindi na mangyari.
Samantala, malamang na napa-how to be you po? ang mga motorista na laway-laway na dumaan sa EDSA Bus, nang malaman nila na may isang Asec ng DOTr na nahuling dumaan doon pero hindi natiketan (na P5,000 ang bayad sa first offense) dahil may papel na nagpapakita raw na “exempted” siya.

Pero kung babalikan ang linyada ng MMDA at DOTr mismo sa kung sino lang ang may karapatang dumaan sa busway maliban sa mga bus, aba’y mga police car, ambulansya na may pasyente, at service vehicles na gumaganap sa tungkulin gaya ng mga bumbero, convoy ng Presidente, Vice President, Senate President, House Speaker at Chief Justice.

Walang binanggit na “Asec” ng DOTr sa exemption! Lahat daw ba kaya ng Asec, Usec, o pati ba ang kanilang bossing na si Sec. Jaime Bautista eh may pases na dumaan sa busway?

Sabagay ika nga mga makapangyarihan: what are we in power for. Habang isinusulat natin ito, wala pang linaw o paliwanag mula sa DOTr tungkol sa isyu.

Hirit ng ilang kurimaw natin, saan daw kaya nanghiram ng fez ang naturang Asec ng DOTr dahil hindi lang siya basta dumaan sa EDSA busway at ipinagmalaki ang kaniyang pases, aba’y “coding” pa ang kaniyang sasakyan.

Talaga namang napakagandang ehemplo ni Asec bilang isang public servant na pinapasahod mula sa buwis ng mga motoristang naiipit sa trapik sa EDSA pero bawal dumaan sa busway.

Sa dami ng Marites, malalaman din kung sinong kumag na Asec yan— di na nahiya, abay ka-apelyido pa ng isang matinong lider. Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on