WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Cong dinagit may sabit na kaanak ng Palace exec

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong miyembro ng Kamara de Representantes na nangwasak ng pamilya matapos dagitin ang isang sosyalerang babae na may asawa at tatlong anak pa?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ang babae ay kaanak daw ng isang mataas na opisyal sa Malacañang.

May tatlong junakis si misis kaya hindi lubos maisip ng kanyang mister na iiwan silang mag-aama at sumama sa matulis na congressman.

Wala naman umanong naging isyu ang mag-asawa maliban sa masyadong mahilig maglamyerda si misis na kaanak ng Palace exec dahil amiga ito ng mga socialite sa bansa.

Duda ng ilang marites, nagkakilala si Cong at kaanak ng Palace exec sa party dahil madalas itong gumimik kasama ang mga socialite at kilalang mga celebrity. Siyempre kapag may party, may alak. At kapag may alak, may balak.

Nasarapan daw siguro ito sa matatamis na dila este pambobola ni congressman kaya pumayag na sumakabilang bahay at iwan ang kanyang asawa at tatlong anak.

Clue: Si Cong ay mula sa angkan ng maimpluwensiyang politiko sa Luzon na may kapangalan na basketball player na magaling mag-shoot, habang ang kaanak ng Palace exec ni esmi ay may inisyal na AL as in alembong.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on