WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Cong, Cabinet secretary nagkulong sa kuwarto

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong miyembro ng Kamara de Representantes at isang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nagkulong sa kuwarto nang bumisita ang kalihim sa balwarte ng mambabatas?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, may isang event daw na dinaluhan itong si secretary sa isang malayong lalawigan sa Visayas.

Pagkatapos daw ng event, agad nagtungo si secretary sa bahay ni congressman upang mananghalian.

Ipinaghanda raw ng masasarap na pagkain si secretary, lalo na ang mga seafoods at mga sariwang prutas. Kasalo sa hapag kainan ang iba pang miyembro ng pamilya ng mambabatas at political lieutenant nito.

Maya-maya, biglang nagsabi na ang kalihim na papaalis na siya dahil kailangan niyang makabalik ng Metro Manila upang dumalo sa iba pang event.

Bago umalis, sinenyasan siya ni congressman na mag-usap muna silang dalawa sa isang kuwarto. Wala umanong ibang pinapasok kundi silang dalawa lamang.

Hindi malaman ng mga kaanak kung ano ang gustong isekreto ng dalawa, pero kapuna-puna na may bitbit na maleta si secretary nang pumasok sa kuwarto.

Kung hindi raw dokumento ang laman ng maleta, malamang na kuwarta ito lalo pa’t kilalang maraming raket sa departamento ng kalihim.

Clue: Si congressman ay kilalang pala-absent sa Kamara samantalang si secretary ay hindi kasama sa original choice ni BBM.

META: Hindi malaman ng mga kaanak kung ano ang gustong isekreto ng dalawa, pero kapuna-puna na may bitbit na maleta si secretary nang pumasok sa kuwarto.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on