WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko 2 araw chinurva seksing bebot

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na nagbitbit ng magandang bebot nang mangibang bansa ito malapit sa `Pinas?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, dumating daw sa airport ang politiko kasama ang kanyang staff na babae na hindi kagandahan.

Subalit pagsakay nila ng eroplano, aba’y nasa hiwalay na upuan na ang staff habang ang katabi ng politiko ay isang maganda at seksing babae.

Pagdating sa bansang kanilang pinuntahan, inasikaso ng staff ang hotel ng kanyang boss at ang seksing babae, `yun pala ay ito ang secret date ni mokong.

Dalawang araw daw na nagkulong sa kuwarto ang politiko at ang seksing bebot, aba’y hindi man lang nagawang mag-shopping sa kanilang pinuntahan.

Isang beses lang daw bumaba itong politiko para mag-dinner at ang inorder ay may sabaw na tila gustong magpalakas ng tuhod. Hindi niya kasama ang babae upang hindi mahalata ng ibang Pinoy na tumatambay rin sa restaurant.

Kilalang babaero ang politiko kahit na may asawa at mga anak na ito, habang ang babaeng chinurva niya sa hotel sa abroad ay maganda, maputi, malaki ang dibdib at mukhang artistahin.

Clue: Ang politiko na dalawang araw na nagkulong sa hotel ay puwedeng kantahin ang pangalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on