WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Senador lutang sa sesyon

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mambabatas na wala sa sarili nang dumalo sa sesyon ng kanilang kapulungan?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, hindi raw makapagsalita ng maayos ang mambabatas kahit may binabasang dokumento.

Nagkamali pa ito sa pagbanggit ng pangalan ng eskuwelahan kung saan nagmula ang mga estudyanteng umawit sa sesyon.

Aba’y sino ba namang estudyante ang matutuwa dahil ang binanggit na eskuwelahan ay `yung kalabang iskul pa.

Halata rin daw na medyo garalgal na ang boses ng mambabatas, na konting senti pa ay babagsak na ang luha.

May pinagdadaanan daw kasi ang mambabatas noong araw na iyon, eh kasi ba naman ay kahit tapos na ang Holy Week, may humudas pa rin sa kanya.

Napansin na raw ng mambabatas na pinagtsitsimisan siya ng ibang kasamahan, ilang araw na ang nakaraan pero binalewala lamang niya ito.

Clue: Ang senador na lutang nang dumalo sa sesyon ay puwedeng hulaan ang pangalan sa numero.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on