WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Esmi ng ex-gov’t exec binitbit mga bodyguard, yaya sa mall

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong sikat na personalidad na namasyal sa mall na bitbit ang tatlong bodyguard at tatlong yaya?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, gusto raw kasing mamasyal sa mall ng sikat na personalidad na bansagan nating si Neneng Tuna. Ayaw daw kasi niyang maistorbo sa pamamasyal kaya dinala ang tatlong bodyguard pati na ang tatlong yaya na siyang taga-bitbit ng kanyang pinamili.

Aakalain mong taga-Malacañang ang namamasyal sa mall dahil sa dami ng nakapalibot na guwardiya kay Neneng Tuna, aba’y dinaig pa ang presidente ng Pilipinas at mga anak nito.

Buti sana kung papakyawin ang paninda sa department store eh samantalang mangilan-ngilan lamang ang pinamili nito kaya hindi nahirapang magbuhat ang tatlong yaya.

Ang classic nito, wala raw pumapansin kay Neneng Tuna dahil hindi naman ito kagandahan at hindi rin seksi para bosohan ng mga yakman.

Hindi raw kasama ng hitad ang kanyang mister na minsang nagsilbi sa gobyerno pero umeksit din makalipas lamang ang ilang buwan.

Clue: Ang misis ng dating government official ay puwedeng i-relate sa parte ng tuna, habang ang kanyang mister naman ay pang-Bibliya ang pangalan pero yakman ang galawan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on