WebClick Tracer

METRO

Dekadang puno sa simbahan nabuwal, 2 sasakyan nabagsakan

Binuwal ng bagyong Aghon ang halos dekadang puno ng Acacia na nakabaon malapit sa Minor Basilica habang may misa sa St. John the Baptist sa Taytay, Rizal, nitong Linggo ng umaga.

Nagulantang ang mga nagsisimba nang biglang yumanig ang paligid ng simbahan bandang 9:00 ng umaga nitong Linggo at nang magsilabasan ay nakitang nakatumba na ang halos 18th century tanda ng puno ng Acacia

Wala namang naiulat na nasugatan o naapektuhan sa pagbuwal ng puno maliban lamang sa dalawang nakaparadang sasakyan na nabagsakan.

Sa report ng Taytay local government unit (LGU), posibleng nabuwal na ang puno dahil sa malakas na ihip ng hangin at nalubog sa tubig dahil sa bagyo.

Posible rin umano na dahil sa katandaan ng puno ay hindi na nito nakayanan pang kumapit sa lupa. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on