WebClick Tracer

OPINION

Mailap na katotohanan

Malaking hamon talaga ang isyu ng kalinisan hindilamang sa pamahalaan kundi ganon na rin sakomunidad.

Kaya naman ang gobyerno katuwang ang pribadong sektor ay may programa ng clean up drive para maging malinis ang kapaligiran.

Ang siste kahit na agresibo ang kampanya para saisang malinis na komunidad nanatili itong mailap , malayo pa sa katotohanan.

Aminin man natin o hindi marami pa rin sa atinang barubal at garapal pagdating sa pagtatapon ng basura.

Saan man, kalupaan, katubigan at karagatanmaging sa kalawakan dito sa ating bayan ang kalinisan ay nanatiling mailap.

Ayon nga sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA nito lamang buwan ng Enero hanggang sa buwan ng Mayo ng taongkasalukuyan lampas sa 50- tonelada ng basura ang nakolekta sa Pasig River pa lamang.

Hindi pa kasama dito ang mga basura mula sa mgahousehold, mga establisimiyento , mga palengkeat kalsada.

Ayon sa MMDA iba’t-ibang uri ng basura ang nakolekta sa kabuuang haba ng ilog mula Pasig hanggang Escolta sa lungsod ng Maynila.

Tulad ng mga nagdaang administrasyon may mgaTask Force na binuo na nakatutok lamang sapaglilinis ng ilog Pasig subalit hanggang ngayon ay tila walang pagbabago, baka lumalala pa yata.

Sa kasalukuyang administration nakaangkla kay PBBM ang pglilinis sa ilog Pasig.

Sa ilalim ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) pagagandahing muli ang ilog Pasig na nagsisimulasa Laguna de Bay hanggang sa Manila Bay.

Ilan sa mga plano ng PBBM ay maging ‘tourist attraction’ ang matulaing ilog maliban pa sapagiging alternatibong ruta ng transportasyon ng publiko pamamagitan ng Pasig River Ferry Service.

Malaki ang potensiyal ng ilog Pasig lalo na salarangan ng turismo.

Kung sa HongKong ay may Harbor Lights nadinarayo ng mga turista pwede rin itong mangyarisa Pasig River.

Kung city lights din lamang ang paguusapan hindipapatalo ang mga lungsod ng Makati, Mandaluyong, Pasig at Maynila.

Pero bago mangyari ito kailangan munang maalisang mga basurang nakatambak sa ilog Pasig .

Malaking trabaho ito bukod pa sa malakinggastos.

Harinawa ang programang Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) ay ang katugunan na sa matagal ng mithiing buhayin ang Ilog Pasig.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on