WebClick Tracer

OPINION

Mga may konek sa eskandalo iligwak

Sa nangyaring panggigisa sa Senado kay Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, hindi natin maiwasang magkaroon ng duda kung ilan kaya ang pakawala ng China para mapasok ang ating go gobyerno?

Mariin ang pagtanggi ni mayora na spy sya ng China at nanindigang 100% Pilipino siya kahit 100% dugong Chinese ang ama niya.

Nakakaloka, pero hayaan na natin ang publiko ang humusga sa mga hanash ng kontrobersiyal na alkalde ng Bamban tungkol sa kanyang citizenship.

Pero katulad ni Mayor Guo ay kailangan ding magising ng mga taga-Quezon City dahil sa planong pagsabak uli sa politika ng isa pang may konek sa Chinese na si Rose Nono Lin.

Ang pagkakaiba lamang nila ni Mayor Guo ay Pinoy si Lin na nakapag-asawa ng Chinese na minsan nang nakaladkad sa Pharmally scandal.

Ayaw na nating maulit ang sinapit ng mga taga-Bamban sa mga taga-Quezon City.

Si Lin ay may kompanyang Xionwei Technology Co. Ltd. Inc. sa Cavite na ang line of business umano ay BPO.

Pero alam n’yo ba na pareho silang parang kabute na sumulpot na lang sa napiling teritoryo upang magkaroon ng kapangyarihan?

Malas lang ni Lin dahil mulat ang mga taga-QC kung saan ito tumatakbo kaya ligwak siya nakaraang eleksiyon.

Kaya bantayan po natin ang galawan ng mga politikong atat mapuwesto upang hindi sila maluklok sa poder dahil hindi natin alam kung ano talaga ang nasa puso nila.

Sa katunayan lantaran na ang paggalaw ng mga supporters ni Lin sa Quezon City para isulong muli ang kanyang kandidatura kaya maging mapagmasid ang lahat sa lungsod upang hindi kayo mabulaga kagaya ng nangyari sa mga constituents ni Mayor Guo.

Hindi lamang sa Tarlac, Quezon City dapat maging mapagmatyag ang publiko kundi sa lahat ng bayan, lalawigan na may kandidatong biglang lutang sa isang lugar at parang gripo na tuloy-tuloy ang paggastos dahil baka may maşama itong binabalak sa inyong mga lugar.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on