WebClick Tracer

METRO

2 bumbero lapnos sa nagliyab na kapilya

Nalapnos ang mga balat ng dalawang bumbero nang sumiklab ang sunog sa isang kapilya, limang establisimiyento at mga babay paupahan para sa mga seaman sa Malate, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Manila-Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog alas 12:21 ng madaling araw sa Pasaje De Galban St, Brgy., 724 Zone 79, na umabot sa ikatlong alarma at naideklarang fire -out alas 3:30 ng madaling araw.

Ayon kay Fire Senior Superintendent Christine Cula, District Fire Marshal ng BFP-Manila, nasa maayos nang kondisyon ang nasugatang mga bumbero matapos mabigyan ng lunas.

“So far ‘yung number of establishments umabot tayo ng 5. Meron tayo kapilya na nadamay, ‘yung iba ay mga paupahan at bahay naman. Third alarm [ang sunog] kasi medyo masisikip ang area natin at kailangan natin ng mas maraming tubig” ayon kay Cula.

Ayon sa BFP, nag-umpisa ang apoy sa isang bahay na nasa gitna ng residential area.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang pari sa chapel na nadamay sa sunog pero nagtulong-tulong ang mga residente sa pagsalba sa mga imahen na nasa loob ng kapilya.

Aabot sa 10 pamilya o 30 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on