WebClick Tracer

OPINION

Dayuhan ‘wag hayaang sumawsaw sa politika

“I grew up on the Roger Moore and Sean Connery Bond movies, so the DNA of my spies is extremely ridiculous and goofy.”

> Nick Harkaway

HINDI na bago ang pagtatanim sa politika ng bansang China, tulad ng pagdududa sa katauhan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo.

Ilang taon na ang nakalipas sa Australia, nakuwestyon din ang pagkatao ni Gladys Liu, isang Chinese national na may malapit na kaugnayan sa central committee ng China at nagsimula bilang exchange student.

Noong 2019, nanalo siya ng puwesto sa parliament ng Australia. Sa isang panayam sa TV , lagi niyang sagot ay “Hindi ko alam” at “Hindi ko maalala” . Hmmmm, sounds family !!!

Minsan na rin tinawag ng kanyang mga kaaway sa politika na si Ms Liu na isang “traidor”.

Sinabi ng Attorney-General ng Australia na si Christian Porter na ang pagpuna kay Liu – na inihalal sa marginal Victorian seat ng Chisholm noong Mayo – ay kahiya-hiya.

Iniulat ng Australian Broadcasting Corporation na si Ms Liu ay miyembro ng konseho ng Guangdong provincial chapter ng China Overseas Exchange Association – na noong panahong iyon ay bahagi ng makapangyarihang Konseho ng Estado ng China, ang sentral na katawan ng pulitika at administratibo ng pamahalaang Tsino.

Ngunit ang right hand man ng Punong Ministro ng Australia na si Scott Morrison, na kapartido ni Liu ,

“Si Gladys ay isang Australian na ipinanganak ng Tsino. Ginagawa ba niyan na kasabwat siya ng gobyerno ng China? Siyempre hindi.”

Aniya , “ito ay isang katawa-tawa na mungkahi at sa tingin ko ito ay isang insulto sa bawat solong Chinese-Australian sa bansang ito.”

Dapat talaga ang mapanuring pagbabantay at hindi mahaluan ang ating political system ng mga dayuhan.

Walang Personalan .

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on