WebClick Tracer

METRO

Dyowa dinedo saka binoga sarili sa sementeryo

Patay ang isang land developer habang sugatan naman ang babaeng anak nito matapos barilin ng kaniyang live-in partner saka nagpakamatay sa loob ng kanilang pag-aaring sementeryo sa Gumaca, Quezon nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Raynaldo Alberto, 57, may-ari ng Elas Land Development Inc., at residente ng Elas Memorial Park sa Brgy. Butaguin, Gumaca, Quezon.

Sugatan naman ang anak nito na si Tina Mikaela Alberto, 28- anyos.

Batay sa report ng Gumaca police, dakong ala 1:55 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang 37-anyos na ka-live in nito na si alyas “Marycris.”

Sa kasagsagan ng pagtatalo, kumuha ng baril si Marycris at binaril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Pinuntahan din ng suspek ang tinutulugang kuwarto ng anak na babae ng biktima at ilang beses ding pinaputukan.

Matapos barilin ang mag-ama, nagbaril din sa ulo ang suspek na agad ding nitong ikinasawi.

Isinugod sa Rakkk Prophet Hospital sa Gumaca ang anak na babae at nilalapatan pa ng lunas.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng kalibre 9mm na baril na ginamit sa krimen. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on