WebClick Tracer

METRO

Killer ng LTO exec timbog

Arestado na ang suspek sa pagpatay sa opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na si Mercedita Gutierrez at isasailalim na sa inquest proceedings, ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. nitong Lunes.

Sa isang press conference matapos ang paglulunsad ng programa ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa mental health, tumanggi naman si Abalos na ihayag ang pangalan ng suspek at motibo sa pagpatay nito.

Gayunpaman, ipinahiwatig ng DILG chief na walang kaugnayan ang insidente sa trabaho ni Gutierrez bilang hepe ng LTO Central Office Registration Office.

“Well siguro may kinalaman sa sasakyan, sa pagmamaneho. Hindi, hindi ito nauugnay sa trabaho. So tignan na lang natin,” giit ni Abalos.

“So antayin na lang natin ‘yong inquest mamaya and then once it becomes public record, I will ask Jean (Fajardo) to give you a copy but what is important is, as of now, meron nang suspect na under police custody at ipa. -file na ang inquest, at maagap ang pulisya po natin,” dadag pa ng DILG chief.

Ayon naman kay Philippine National Police (PNP) spokesperson P/Col. Jean fajardo sa isinagawang press briefing nitong Lunes sa Camp Crame, nakilala ang pulisya na suspek matapos mahulog ang beltbag kung saan nakalagay ang OR/CR ng motorsiklong ginamit nito sa krimen.

Aniya, walang pang 24-oras ay nadakip ang suspek na kinilala lamang sa alyas Randy sa Batasan sa Quezon City ng binuong Special Investigation Task group (SITG) ng Quezon City Police District (QCPD).

Noong nakaraang Sabado, bumuo ng Quezon City Police District (QCPD) ng task force na tututok sa pagpatay kay Gutierrez.

Sa hiwalay na pahayag, kinondena ni LTO head Vigor Mendoza II ang pamamaslang at nanawagan ng hustisya para kay Gutierrez. (Dolly Cabreza/Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on