WebClick Tracer

SPORTS

Mag-amang Alberto, Jessica Agra tatalakayin ang obstacle at padel

Pag-uusapan ang obstacle at padel sa Philippine Sportswriters Association Forum ngayon (Martes) sa Rizal Memorial Sports Complex conference hall sa Malate, Manila.

Dadalo ang mag-amang mga abogado na sina Philippine Obstacle Sports Federation president Alberto at Jessica Agra, na kakasungkit lang ng pro women’ s doubles title sa Asia Pacific Padel Tour Phuket Open sa Thailand.

Isisiwalat ng nakatatandang Agra ang mga plano’t programa ng kanyang sport na palaging dumadaklot ng gold medal sa Southeast Asian Games, samantalang ikukuwento ng nakababatang Agra ang kanya pang mga gagawin.

Sasambulat ang talakayan sa alas-10:30 ng umaga na mga ihahatid ng San Miguel Corp., Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, Milo at 24/7 sports app ArenaPlus.

May livestream ang Forum sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at delayed na ine-ere sa Radyo Pilipinas 2 na nagsi-share rin sa kanilang official FB page. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on