WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko nagpakabit ng CCTV para mahuli taksil na misis

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na sikretong nagpakabit ng CCTV upang mahuli ang karelasyon ng kanyang misis?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, matagal nang hiwalay ang politiko at ang kanyang unang asawa pero muling lumutang ang isyu kung bakit sila naghiwalay.

Nagsuspetsa raw kasi ang politiko na may ibang lalaki ang kanyang misis at sa mismong bahay nila ginagawa ang milagro.

Lihim daw na nagpakabit ng CCTV ang politiko sa studio ng kanilang bahay kung saan nagpapraktis ng sayaw at pagkanta ang esmi nito.

May kinuha raw na dance instructor si misis para turuan siyang sumayaw pero imbes na umindak, pagliyad ang natutunan nito sa boylet.

Nakunan daw ng CCTV ang eksena at napanood ito mismo ng politiko. Halos maiyak daw sa galit ang politiko dahil hindi niya akalain na iiputan siya.

Mabait naman ang politiko dahil hindi niya inaway si misis. Kinausap niya ito nang masinsinan at nagkasundo na maghiwalay na lamang sila.

Clue: Mahuhulaan nyo ang pangalan ng politiko kung mag-selfie kayo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on