WebClick Tracer

NEWS

2 Davao case ni Quiboloy nilipat sa QC

Iniutos ng Supreme Court ang paglipat ng dalawang criminal case laban kay Pastor Apollo Quiboloy mula Davao City patungong Quezon City upang masiguro ang patas na paglilitis.

Ipinagkaloob ng korte ang kahilingan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dahil sa mga pangamba sa implu¬wensiya ni Quiboloy sa lokalidad, mga posibleng pagkiling, at pananakot sa mga saksi sa Davao City.

“This could cause local biases and a strong possibility that witnesses cannot freely testify due to fear and influence of the accused, the court found it prudent and judicious to order the transfer of the cases to Quezon City,” ayon sa SC.

Ang Regional Trial Court sa Davao City ay inutusan na ipadala ang mga record ng kaso sa Quezon City sa loob ng tatlong araw, kung saan muling ira-raffle ang mga kaso sa mga local judge.

“The Court further directed judges in Davao City and in other stations in Mindanao where future related cases involving Quiboloy and his co-accused may be filed to motu proprio order the transmittal of the records to the Office of the Clerk of Court of the RTC, Quezon City and Metropolitan Trial Court, Quezon City, as the case may be,” giit ng SC. (Just Ignacio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on