WebClick Tracer

METRO

Biker na senior inararo ng armored car

Patay ang isang matandang lalaki nang araruhin ng armored car ang sinasakyan nitong bisikleta sa Quezon City nitong Martes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, Quezon City.

Sakay umano ng bisikleta ang matanda nang masagasaan at pumailalim pa sa armored car sa isang U-turn slot sa lungsod.

Ayon sa mga awtoridad, halos isang oras bago mahila ang biktima mula sa ilalim ng armored vehicle.

Dinala ang matanda ng mga rescue personnel ng Quezon City sa East Avenue Medical Center pero binawian din ito ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on