WebClick Tracer

SPORTS

Chris Newsome ididiga pa Meralco Bolts sa ‘G4’

Semis Game 6 ngayon (Smart Araneta Coliseum)

7:30 pm – Ginebra vs Meralco

Bumalik mula 15-point deficit sa third quarter ang Ginebra para agawan ng panalo ang Meralco 89-84 sa Game 5 ng PBA Philippine Cup semis noong Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

Abante ang Gin Kings sa best-of-seven series 3-2, misyong tapusin na sa Game 6 ngayong Miyerkoles na lilipat sa Smart Araneta Coliseum sa alas-7:30 ng gabi.

Deklarasyon ni coach Tim Cone, ayaw na niya ng Game 7.

Sakaling makahirit ng panalo ang Bolts, idadayo ang win-or-go-home match sa San Jose, Batangas sa Biyernes.

“I’m sorry to the fans in Batangas but if we don’t see them, I’ll be very, very happy,” ani Cone, sinundan ng tawa sa postgame press conference. “But if we do, then hopefully we can put on a show for them.”

Totodo muli sina Christian Standhardinger, Maverick Ahanmisi, Japeth Aguilar, Stanley Pringle, Scottie Thompson, LA Tenorio para ibalik sa finals ang Gins laban sa naghihintay nang defending champion San Miguel Beermen.

All-out din sina Chris Newsome, Chris Banchero, Raymund Almazan, Cliff Hodge para isagad ang serye.

Bumigay sa pressure ang crowd favorites sa first half, nadiskaril ang execution. Napuwersa sila sa 12 turnovers pero nakarekober, pagbalik mula sa break ay dalawa na lang ang miscues.

“Not just play like chickens with our heads cut off and that’s what we kind of did in our first half,” giit ni Cone. “I don’t think we were in battle mode in that first half.”

Focused ang Gins sa susunod na laro kaya hindi nakatanaw sa Game 7.

“That’s not something we worry about and certainly not something we wanna think about,” dagdag ng winningest coach ng liga. “It’s just one game ahead of us, and that’s all we wanna think about. Just that one game.” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on