WebClick Tracer

NEWS

Escudero liligawan nina Marcos, Romualdez sa Cha-cha

Makikipagpulong sina Senate President Francis Escudero at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang pag-usapan ang mga mahahalagang panukala kabilang ang pag-amiyenda sa economic provision ng 1987 Constitution.

Ito ang sinabi ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa isang press briefing nitong Martes.

“Before the Speaker left (for Brunei), I was advised na magkakaroon sila ng meeting yata.. with the President, the Senate President and the Speaker. At isa sa mga agenda iyang Charter change,” sabi ni Tulfo.

“I don’t know where they will arrive, but isa ‘yan sa mga pag-uusapan. At saka iyong coordination between the Senate and the House in terms of the priority bills of the President,” dagdag pa nito.

Si Romualdez ay kasama ni Marcos sa pagbisita nito sa Brunei.

Iginiit ni Tulfo ang kahalagahan na maamiyendahan ang economic provision ng Konstitusyon upang dumami ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on